Monday, April 2, 2012

Panibagong Pagsubok

Pagkatapos nung bagong taong bangga ng kotse ko, nagsunod-sunod ang aming pagsubok. Nagkaroon ng sakit ang aking pamangkin at sya ay na-admit sa ospital pagkatpos ng 2 linggo mula noong nabangga ang kotse ko. Pagkaraan naman ng sumunod na 2 linggo ang kapatid kong bunso naman ay nagkaroon ng appendicitis.

At nung March 3, panibagong pagsubok na naman ang aming hinarap.

Mag-12 midnight nung ng March 3, nang patulog na ako nun nang tinawagan ako ng aking ama. Ang boses nya ay parang lasing na namimilipit sa sakit. Sinabi nya sa akin na nabangga sya sa may Fatima University. Dali-dali akong nagbihis at madaling nagmaneho. Pagdating ko sa Fatima University sa Lagro, hinde ko makita ang sasakyan ng tatay ko. Kaya naman dumeretso ako sa may Fairmont kung saan may branch ang Fatima University doon.

At sa malayo pa lamang, natanaw ko na ang asul na sasakyan na nakabalandra sa kaliwang bahagi ng kalsada. Halos hati ang harapan ng sasakyan, at basag ang mga salamin. Agad akong tumabi malapit sa kinaroroonan ng aksidente. At nakita ko sa tabi ang tatay ko kasama ang mga ibang taong tumulong sa kanya. Agad ko syang pinuntahan at tinanong ko may sugat ba sya. Halos hinde makasalit ng maayos ang tatay ko sa sakit na nararamdaman nya. Inalalayan ko sya papuntang kotse ko at isinugod sa FEU fairview. Agad naman syang inasikaso ng mga nurse, at napa-x-ray. Nang lumabas ang resulta, nakita na may crack ang isang ribs nya. Pinauwi rin naman sya ng doctor dahil madadaan naman daw ito sa pain reliever at kusang hihilom ito.

Nakwento ni daddy ang tunay na nangyari habang kame ay papauwi:

Pinakita nya ang nangyari, sa pagliko nya sa Regalado papunta SM, madaming road blockings sa kalsada. Habang sya ay tumatakbo, may kasabay syang bus habang sya ay nasa kanang parte ng kalsada. Biglang huminto ang bus upang magbaba ng pasahero. At dahil nakaharang ang bus lumipat sya sa kabilang lane upang mag-overtake, nakita nya ang mga bakal sa gitna ngunit hinde nya napansin agad ang mga adobe blocks bago nito. Naibangga na nya ang kotse bago pa sya makapreno.

Nalaman namin sa kaibigan ng daddy ko na tumulong upang kuhain ang sasakyan nya, na naunahan sila ng wrecker. Kinabukasan kinuha nila ito at napag-alaman na sinispsip ng nag-wrecker sa kotse nya ang gasolina nito. Dinala niya ito sa kaibigan nya na nag-aayos ng sasakyan.

Kaya sa inyong mga motorista, magiingat sa pagmamaneho.
At sa mga kinauukulan naman, ayusin nyo ang bawat blockings na ilalagay nyo sa kalsada, marami na ang nadidisgrasya sa lugar na iyon. Pero hanggang ngaun wala pa rin pagbabago ang mga blockings na iyon. Wala parang tamang kulay at roadsigns. Hinde naman siguro aabutin ng milyon ang paglalagay ng road signs...gamitin naman ninyo sa ayos ang mga tax na binabayad namin...


Thursday, January 12, 2012

muling pagbangon

Yehey!!! After 1 week mula nang ako ay maaksidente, naayos na si chevoi. Salamat naman, ang hirap kase magcommute. Pero ayus din dahil nakakatulog ako ng mahimbing sa byahe bago pumasok. And sobrang laking tipid din, kase libre ako sa pamasahe...heheh. Syempre ngayung wala akong kotse, dapat ako naman ang ilibre ni Noel sa pamasahe. Dahil simula nang nagkakotse kame, hinde na sya gumagastos ng malaki sa pamasahe dahil ako naman lagi ang nagbabayad ng gasolina ko...syempre kotse ko un.

Natutuwa din ako ngayung maayos na si chevoi, dahil hinde lang ung parte na nasira ang inayos. Pati ung mga gasgas mula sa katangahan ng isang babaeng drayber ay naayos. Magmula sa bumper ko sa unahan - akala ko hinde kasama sa pipinturahan dahil hinde naman talaga tinamaan ung bumper, ung hood lang ang nadamage. Bumper ko sa likod - oo...sinama sa pininturahan ang bumper ko sa likod...meaning no more gasgas! Ang fender lining ko - naalala nyo ung kwento ko nang ipilit kong pinasok ang kotse ko sa isang masikip na parte ng parking...ayun!...inayos nila!... ang saya! May isang part nga lang ang hinde na nila ginalaw, ang dent sa hood ko na hinde ako ang may gawa. Pero ayus lang...at least un na lang!..hehehhe

Pero kahit maayos na ang yupi-yupi, hinde pa tapos ang mga kelangang palitan. Dahil hinde pa pinapalitan ang headlight ko na lubhang nasira. Basag-basag pa ito, pero umiilaw pa naman. Kaso basag-basag pa rin ang loob nito. Kaya kelangan ko pa kulitin ang tatay ko na kulitin ung nakabangga upang palitan na ang headlight ko...

Saka na ung pictures, hinde ko pa nalilinisan kaya ang dumi eh...

Monday, January 2, 2012

Ang unang slightly major accident ng babaeng driver

Naku naman, kakasimula pa lang ng 2012 nabinyagan na agad si chevoi ko. Hinde kame pumasok ni Noel dahil ako ay nag-offset, si Noel naman namamaga ang mata. Bago magtanghali nag-aya akong lumabas upang pumunta ng bangko, at dalhin na rin sa shop para mapalitan na ang brake pad ko sa unahan.

Habang kumakain ng umagahan at nanonood ng Kris, narinig ko sa topic nila na maswerte ang bituin ko ngaung taon na to...OX. So mejo nakakatuwa dahil umaasa akong magiging maganda nga ang taon na ito para sa akin.
Pagtapos kumain ay umalis na din kame mga bandang alas onse.

Habang pababa ako ng street namin, napansin ko na may nakasetup na tolda sa isa sa aming kapitbahay, mukhang may handaan. Mejo nakaka-asar kase sinakop nila halos 2 kalsada, nagaalangan tuloy akong dumaan dahil baka sumabit ako. Kung hinde sa gilid dun sa tolda, pero nailabas ko naman ng ayos.

Pagdating ko sa kanto, may tumawid na isang Nissan Patrol. Paglampas nya ay umandar na ako pakaliwa, napansin kong huminto sya sa susunod na kanto. Kaya naman nagantay ako na umandar sya dahil nasa gitna sya at sakop ang buong kalsada. Nang bigla kong napansing umilaw ung signal light ng paatras nya. Nagulat na lang ako ng umaatras na sya. Agad ko syang binusinahan habang malayo pa sya, pero tuloy-tuloy ang mabilis nyang pag-atras...hanggang sa BOOM!!!

Isa lang nasa isip ko ng oras na naramdaman kong bumaga ang sasakyan nya sa harapan ko (mejo may katandaan na).
Taena!!! Ang kotse ko!!!
Agad agad akong bumaba na mainit ang ulo, bumaba din ang driver ng Nissan Patrol.
Sinabi ko agad sa kanya... "ano ba!!! malayo ka pa lang binusinahan na kita!!! Hinde mo ba ako narinig???"
Agad naman niyang sinabi..."Pasensya na, kasalanan ko. Hinde ko narinig busina mo dahil naka-aircon."
"Hinde ko rin nakita na meron pa lang sasakyan sa likod." Inaareglo nya ang nangyari at tipong dudukot ng pera sa kanyang wallet, nang biglang sabihin ng mamy ko... "Naku, hindi ho yan pwedeng basta mag-abot lang kayo, kelangan nyo ipaayos yan." Ang sabi ng mga taong nakiki-usi, kelangan nyo ng Police report. kaya naman lumakad kame ni Mammy sa malapit na police station. Sa ka-ewanang dahilan hinde daw nila pwedeng hawakan ang ganung kaso. Tanging Police traffic lang ang pwede. So itinawag namin sa traffic police na galing pa sa Bagumbong...kung san yun hinde ko alam.

Bumalik kame sa accident site, at nag-antay. Dumating ang tatay ko, at nakita ang impact. Pagdating ng imbestigador agad syang nagparinig na nagugutom daw sya dahil naligaw sya. Eh tangengok pala sya, ang sabi ko sa tinawag ko sa Sampaguita St. sa Capitol Park Homes 2. Ang pinuntahan nya ung sampaguita sa Malaria. Habang ginagawa nya ang imbestigasyon, kausap ni Daddy ung driver ng nakabangga at nag-karegluhan na. Nang sinabi iyon sa police, mejo nainis ung police syempre wala syang mahuhuthot. Kaya naman isinama ng driver ng isang sasakyan ang police dahil isa syang bisita dun sa handaan ng kapitbahay namin na nadaanan ko.

Pagbalik ng daddy ko, napag-alaman namin na ung kapitbahay namin ng retired colonel, pinsan nya ung driver na nakabangga sa akin, at isa ding retired colonel. Bigatin!... I wonder kung anong reaksyon nung police na pumepera este..pumoporma... hehehe

Sasagutin nya ang pagpapagawa ng sasakyan ko, kaya naman tumawag ako sa Chev upang itanong kung magkano ang headlight at hood, dahil iyon ang malubhang tinamaan. Uver ang presyo!! sa hood - 23K+ ang kanang headlight 7k+ at ang kaliwa ay 5K+ !!! meron pang dapat ayusin bukod dun, at base sa estimate 10k ung isa pang aayusin. So pumapatak na almost 50K+ ang pagpapaayos ng sira ng kotse ko....

Sana lang maayos na kausap ung lalake...dahil ayaw kong gamitin kotse ko hanggat hinde naayos ang sira. Dahil nahihiya ako, dahil I'm sure pagnakita nila na babae ang may dala ng may sirang harapan ng kotse isa lang sasabihin nila... "Kaya naman pala e, babae ang driver..." Kahit hinde ako may kasalanan, yun ang iisipin ng lahat... 






Wednesday, December 21, 2011

Ang Krismas party

Avanade xmas party na... sa Republiq daw sa Resorts world.
Dress to impress daw, kase naman mejo shala ang lugar.

So 5PM, umalis na kame ng office. Kasama ko si Kat, Tayne and Ferds. Bago umalis inalam ko muna ang daan papunta dun. Ayaw ko dumaan sa EDSA kase alam kong matrapik. So I decided na sa C5 ako dadaan. Sinabi naman ni Tristan ung tamang way. So mejo gets ko na.

So habang bumabyahe kame, pina-open ko kay Kat ang GPS ng phone ko para lang makasiguro akong hinde kame maliligaw. Sa dinami dami kase ng araw, bakit hinde ko pa nahiram sa araw na iyon ung tablet ni Noel para malaki laki ang nakikita ko.

So habang tinatahak namin ang kahabaan ng C5, umabot na kame sa dulo o yung tinatawag na Service road. pagkakanan ko, napansin ko ang lugar andaming pwedeng daanan. So nagtanong ako kung saan kame dadaan...kakanan ba o kakaliwa. Ang sabi ni Kat, kanan daw pero kumontra si tayne, kaliwa daw. Nasa gitna kame ng 3 lane na iyon, at dahil hinde ko alam kung sino ang dapat sundin, sinunod ko ang sinabi ni Tayne - kumaliwa ako. Nang huminto sa kanto, ako na mismo ang tumingiin sa map. At dun ko napagtanto na tama si Kat. Nang akmang kakanan na sana ako, may sumingit na hinyupak na FX! So wala akong magawa kundi sumunod sa daloy ng trapik dahil may MMDA sa unahan na malamang ay huhulihin ako paggumawa ako ng eksena.

At dahil mali ang dinaanan ko, sa SLEX ang lusot namin.Ampf!..ang layo tuloy ng iikutan ko. Sa Ayala pa, kaya pinagpatuloy ko ang takbo hanggang makarating sa Ayala U-Turn slot. Madilim ang lugar, alam kong malayo pa ako sa island. Nang mag-go kame, hinde ko napansin na masyado na pala akong malapit sa island. Kaya may biglang bang...tok..tok..naknangputek! Mukhang tinamaan ang katawan ng sasakyan ko!... Naiirita na ako ng panahon na iyon. Dahil sa sunod-sunod na kapalpakan, pero kelangan maging mahinahon. So dumeretso ako na animoy walang nangyari. Pagdating namin sa Pasong tamo ext. huminto ako saglit dahil gusto kong tingnan kung gano kalaki ang tama. Swerte naman at walang gasgas ang katawan ng kotse ko, ung rim lang mejo nagalos ng konti.

Pagtapos ng isang ilang minutong pagiikot sa metro manila, ay narating din namin ang Resorts World. First time ko to! Si kat nakapunta na raw, kaya naman sa kanya ako umasa kung san kame dadaan. Pagkanan namin papasok sa resorts world, sinabi ni Kat na kumanan daw ako sa kanto, so kumanan ako sa inner lane. Nakita na namin ung papasok ng parking, kaso sa laking gulat namin walang daanan. So lumabas na naman kame at umikot. tsk...pangatlong kapalpakan agad... So no choice...umikot na lamang ako ulit. Pero sa pangalawang pagkakataon, nagtanong na ako sa guard. Tinuro rin nya ang parehong daanan na dinaanan namin, ang pagkakaiba nga lang dun kame sa kabilang lane pumasok. At ayun, nakapagpark at nakapunta rin kame sa aming paroroonan kahit naka-ilang binggong kapalpakan kame ng gabing iyon.

Friday, December 9, 2011

Ang komprontasyon mula sa lalaking driver

Ako ang naatasang sumundo sa pamangkin (kapatid ni Gaby) ko sa Malabon nung araw na iyon.
Hindi ko alam kung bakit sobrang natatamad ako nun, humanap na nga lang ako ng dahilan sa tatay ko upang sya ang magsundo. Sabi ko wala akong pang-gas kaya sya na lang sumundo. Pero ayaw din ng tatay ko, dahil matrapik daw ang araw ng sabado lalo na kung sa bandang norte ang destinasyon. Binigyan nya na lamang ako ng pang-gas at ako ay umalis kasama si Mamy at si Gab.

Sobrang nakakapagod, 2 oras halos ang byahe namin papunta sa kanila dahil sa lintek na trapik papuntang Edsa-Monumento.

Habang kame ay pauwi na, nagtotopak ang dalawang bata. Kung anong iyak ng bundo sya ding sigaw at iyak ng panganay. Sobrang hirap ang nanay ko kung anong gagawin sa dalawa. Pero di naglaon, nakatulog din ang bunso.

Pagdating namin sa Fairview, dumaan kame sa loob ng La Mesa Dam upang makapag-shortcut.Well, swerte ko lang dahil may sticker ako ng kumpanya kung san nagtatrabaho ang aking ama. Habang papasok tinatahak namin ang daanan, dumating ako sa parteng mejo pataas na biglang kaliwa. Sa puntong iyon hindi ko alam kung bakit sa ahon ko ay nasa maling lane ako. At kamalasan pang may kasalubong ako, bigla akong napaiwas dahil magbabangga kame. Swerte at walang nangyari, pero kinabahan ako ng todo. Dahil mabilis ang aking takbo. At nakita ko rin sa aking side mirror na ung sasakyang nakasalubong ko ay muntik nang mabangga sa pag-iwas sa akin. Sobrang ninenerbyos na ako, sa takot dineretso ko ang takbo. Nakita kong umaatras ang sasakyan at umabante papunta sa direksyon ko.

Pagdating ko sa gate kung saan chinecheck ng guard and compartment ko at nung padadaanin na nya ako nakitang kong kumakaway ung driver nung sasakyang nakasalubong ko.
Sabi nya... "Sandali, sandali wag mo muna papasukin yan..." galit na galit ang boses.
Namumutla na ako...
Bumaba sya sa kanyang sasakyan at naglakad patungo sa akin, nang makita nya ako, ang sabi nya:
"Kaya naman pala, babaeng driver!"
Tapos sinimulan na nya akong sermonan...
"Nakita mo bang ginawa mo?!... Muntik mo na akong mapatay! Muntik na akong mahulog sa bangin!"
Hindi ko alam ang sasabihin ko, dahil alam kong mali ako. Pero hindi ko alam ang idadahilan ko. Alangan naman na sabihin kong natripan ko lang sakupin ang kabilang lane?
So sinabi ko na lamang na... "Kuya pasensya na po...hinde ko talaga sinasadya. Nalingat po ako sa pagmamaneho dahil nagwawala ang dalawang batang sakay ko. Sorry po talaga." Pati ang aking ina ay humingi ng pasensya.

Pagtapos nun, ay pinaalis naman nya ako.

Pero nandun pa rin sa dibdib ko ang nerbyos at pagrrealize ng nangyari. Sa tangal kong dinadaanan ang kalsadang iyon hindi ko alam kung bakit bigla na lamang akong nagkamali sa puntong iyon. Alam ko kung saan ang tamang way ko pero hinde ko alam kung bakit nagkamali ako?

Sobrang natakot ako sa posibilidad na paano kung hinde ako nakaiwas. Magbabangga kame, kasama ko ang mahal ko sa buhay. Kasama ko ang bata. Eh panu kung nakaiwas nga ako sa kanya pero sa pagiwas ko nabangga ko ang pader ng la mesa dam at tumuloy kame sa tubig?... Paano na?... Ayokong mangyari iyon. Ayoko nang maulit iyon. Natatakot ako.

Wednesday, November 30, 2011

unang driving seminar

"Tine!...magregister ka dito. Kelangan mo yan..."

Basic Convoy and Uphill-downhill driving seminar --- by AAC

Nagregister ako, si Kat at si Ed.

Destination.... Sierra Madre Hotel Resort in Tanay, Rizal.

Meeting place ng mga members: Shell Station at McArthur Hiway

Nagkaroon ng konting overview kung ano ang dapat gawin kung naka-convoy at kung papanu ang tamang pagmamaneho kapag umaakyat o bumababa sa lugar na mataas.

Pangalawa kame sa dulo ng convoy.

Maayos naman ang pag-akyat namin.

Mejo maayos din naman ang pababa, maliban sa mejo onting mali... pero hinde naman ganun katindi.

Infairness...mejo maayos na ako magdrive ngayun... :D

matinding kapalpakan

Teambuilding sa bataan!...

Ang saya, unang beses kong makakapagmaneho ng malayo kasama si Chevoi.

Mejo nahuhuli ako sa pagmamaneho, dahil hinde pa ako ganun kagaling. Puro pataas, at pababa ang kalsadang daanan.

Sakay ko din si ______, pero isang kaibigan ko ang pinaupo ko sa harap.

Maayos naman ang byahe namin noong papunta kame ng resort. Hinde naman ako namamatayan, nun lang nung paakyat na sa mismong resort. Dahil nabitin sa pag-akyat at mejo mabigat ang dala ng sasakyan ko.

Kinabukasan, bago kame umuwi. Nagdesisyon kameng pumunta sa Bataan Cross.

Mejo matarik ang pag-akyat at maliit ang kalsada. Tama lamang sa 2 sasakyang magkasalubong.

Nung panahon na iyon, may kasabay kameng bus sa pag-akyat. Puno ng mga estudyante kaya naman mabagal ang pag-akyat nila. Kaya naman mabagal din kame.

Nang papalapit na kame sa pangalawa sa huling blind curve, maayos ang takbo ko, at may tamang bwelo.

Nang biglang huminto ang unang kasama naming sasakyan sa unahan.

Mejo malayo pa ako nun, bigla ko syang in-overtake-an. Sumisigaw ang isang kasama ko... brake! brake! brake!

Pero hinde ako nakinig. Dahil natatakot akong mawala ang bwelo ko. Dahil alam kong mahihirapan na naman akong umabante dahil masyadong matarik at pakurbada.

Pagdating namin sa itaas, agad akong nilapitan nung kasama namin sa isang sasakyan, at sinabing..

"Nagpapakamatay ka ba?! Bat mo ginawa yun?"

"Doon ko na-realize na, oo nga mali nga ako..."

At ang kaibigan ko na kasama ko, ay nanahimik lamang. Ninerbyos at feeling ko sinasabi nya sa loob nya...

"Taena ka tine!...ayaw ko pang mamatay!"

Sa pagbaba namin, nadaanan ko ung pwesto kung saan ako nag-overtake. At narealize ko, buti wala akong kasalubong nung time na yun. Dahil kung nagkataon na may kasalubong ako...

Malamang wala ang blog na ito...