Haha! Ayos may sasakyan na ako! Makakagala na ako sa kahit saang lugar! Yehey!...
Tamang tama nagka-yayaan kaming magkakaibigan na magkita sa Megamall isang araw pagtapos kong mabili ang kotse ko.
Pagpasok ko sa mega mall, hindi ko mawari kung saan ako dadaan papasok ng parking, ayaw ko pang pumasok dun sa parking ng megamall sa loob dahil sa Starbucks lamang kame magkikita kaya naman nagdesisyon akong doon sa harap ako magpark. Kuha ng ticket, naghanap ng parking space. Tae! Ang sikip ng daan, ang hirap lumiko pero sakto mga ilang kotseng pagitan mula sa entrance nakakita ako ng space. Pero ang problema hinde ko alam kung papano ko ito ipapark. Sobrang sikip ng daanan, may truck pa sa unahan. Bahala na, yan ang sabi ko sa sarili ko. Iniiayos ko na ang sasakyan upang ipark ng paatras. Tae!...ang hirap, hinde ako marunong pa nito! Ano ba to!... Kabado, nahihiya...may mga nakatambay kase na mga lalake sa harap. Bwisit! Lalo akong nappressure!...Pihit sa kanan, kaliwa, pasulong, paatras..Putek!..ang bigat ng manibela. Hinde ko tuloy malaman kung anong pihit ang gagawin ko. Unang beses ko itong magpark ng paatras. HInde ko na maalala ung tinuro sa driving school, na ilang minuto lang naman nagtagal. Gusto ko na umiyak!...
May lumapit na gwardya, ang sabi sa akin. "Ma'am, mukhang hirap na hirap kayo ah" ...(tae ka ba..hindei ba obvious?)...pero kelangan ko ng tulong... "Kuya, pa-assist naman, bagong driver lang ako at ang bigat ng manebela ko...pa-assist naman sa pag-atras ko.." at kinatok, sumenyas ang gwardya hanggang sa makapgpark ako.
Takte, parang 15 minutes ata akong nagpark nun ah... nakakahiya!...eh bakit ba?...walang basagan ng trip. Eh sa perstaym ko eh.
Nagkita kame ng mga kaibigan ko, at nag-desisyong kumain sa Aysee sa tabi ng ultra. Ayus maluwag ang mapaparkingan. Pagkapark ko, may lumapit na lalake... "Ma'am 40 po parking"... No choice, nagabot ako ng 40 pesos. Sa isip ko, eto na ang simula ng malakihang gastos ng may sasakyan (actually 25 pesos lang ang parking sa kalsadang iyon, simula nang may enforcer na nagbabantay doon, wala na ang mga mapagsamantalang tao doon.
Dun na kame nagkita ng isa naming kaibigan na may sasakyan, ngunit noong araw na iyon ay nasa pagawaan dahil nabangga sya. Pagtapos namin kumain, sumakay ang lahat sa sasakyan. Eto na naman ninenerbyos na naman ako. Nahihiya sa isang kaibigan dahil isa syang matagal na na driver. Atras, abante...ikot ang manibela. Taena, ang bigat!...
2nd round of kahihiyan at kakapagod moments for the day!
Pero di bale, anjan na yan eh, kelangan ko na lang sanayin ang sarili upang umayos ako sa pagmamaneho.