Friday, December 9, 2011

Ang komprontasyon mula sa lalaking driver

Ako ang naatasang sumundo sa pamangkin (kapatid ni Gaby) ko sa Malabon nung araw na iyon.
Hindi ko alam kung bakit sobrang natatamad ako nun, humanap na nga lang ako ng dahilan sa tatay ko upang sya ang magsundo. Sabi ko wala akong pang-gas kaya sya na lang sumundo. Pero ayaw din ng tatay ko, dahil matrapik daw ang araw ng sabado lalo na kung sa bandang norte ang destinasyon. Binigyan nya na lamang ako ng pang-gas at ako ay umalis kasama si Mamy at si Gab.

Sobrang nakakapagod, 2 oras halos ang byahe namin papunta sa kanila dahil sa lintek na trapik papuntang Edsa-Monumento.

Habang kame ay pauwi na, nagtotopak ang dalawang bata. Kung anong iyak ng bundo sya ding sigaw at iyak ng panganay. Sobrang hirap ang nanay ko kung anong gagawin sa dalawa. Pero di naglaon, nakatulog din ang bunso.

Pagdating namin sa Fairview, dumaan kame sa loob ng La Mesa Dam upang makapag-shortcut.Well, swerte ko lang dahil may sticker ako ng kumpanya kung san nagtatrabaho ang aking ama. Habang papasok tinatahak namin ang daanan, dumating ako sa parteng mejo pataas na biglang kaliwa. Sa puntong iyon hindi ko alam kung bakit sa ahon ko ay nasa maling lane ako. At kamalasan pang may kasalubong ako, bigla akong napaiwas dahil magbabangga kame. Swerte at walang nangyari, pero kinabahan ako ng todo. Dahil mabilis ang aking takbo. At nakita ko rin sa aking side mirror na ung sasakyang nakasalubong ko ay muntik nang mabangga sa pag-iwas sa akin. Sobrang ninenerbyos na ako, sa takot dineretso ko ang takbo. Nakita kong umaatras ang sasakyan at umabante papunta sa direksyon ko.

Pagdating ko sa gate kung saan chinecheck ng guard and compartment ko at nung padadaanin na nya ako nakitang kong kumakaway ung driver nung sasakyang nakasalubong ko.
Sabi nya... "Sandali, sandali wag mo muna papasukin yan..." galit na galit ang boses.
Namumutla na ako...
Bumaba sya sa kanyang sasakyan at naglakad patungo sa akin, nang makita nya ako, ang sabi nya:
"Kaya naman pala, babaeng driver!"
Tapos sinimulan na nya akong sermonan...
"Nakita mo bang ginawa mo?!... Muntik mo na akong mapatay! Muntik na akong mahulog sa bangin!"
Hindi ko alam ang sasabihin ko, dahil alam kong mali ako. Pero hindi ko alam ang idadahilan ko. Alangan naman na sabihin kong natripan ko lang sakupin ang kabilang lane?
So sinabi ko na lamang na... "Kuya pasensya na po...hinde ko talaga sinasadya. Nalingat po ako sa pagmamaneho dahil nagwawala ang dalawang batang sakay ko. Sorry po talaga." Pati ang aking ina ay humingi ng pasensya.

Pagtapos nun, ay pinaalis naman nya ako.

Pero nandun pa rin sa dibdib ko ang nerbyos at pagrrealize ng nangyari. Sa tangal kong dinadaanan ang kalsadang iyon hindi ko alam kung bakit bigla na lamang akong nagkamali sa puntong iyon. Alam ko kung saan ang tamang way ko pero hinde ko alam kung bakit nagkamali ako?

Sobrang natakot ako sa posibilidad na paano kung hinde ako nakaiwas. Magbabangga kame, kasama ko ang mahal ko sa buhay. Kasama ko ang bata. Eh panu kung nakaiwas nga ako sa kanya pero sa pagiwas ko nabangga ko ang pader ng la mesa dam at tumuloy kame sa tubig?... Paano na?... Ayokong mangyari iyon. Ayoko nang maulit iyon. Natatakot ako.

No comments:

Post a Comment