Monday, November 28, 2011

Ang unang gasgas

"Anak, lipat mo na kotse mo sa harap ng bahay"... naipasok na kase ng tatay ko ung Honda nya sa garahe namin.

Ang dilim ng pinagpwestuhan ng kotse ko at ang sikip.

Ini-start ang makina, binaba ang mga bintana dahil sa madilim ang pwesto ang madilim din ang tint ng sasakyan ko.

"Pano ako aalis dito? May kotse sa harap at likod ko."

Atras, abante...sablay. Tatama ako sa Vios na nasa harap.

Atras ulit, teka didikit na ako sa gilid. Abante ulit.

Pihit ang manibela, ang bigat!

Sablay pa rin, atras ulit. Narealize ko, mga halaman lamang iyon. Sige atras pa.

Bigla may narinig akong batong kumiskis sa sasakyan ko.

Anak ng! May maliit na bakod pala dun na pinaglalagyan ng halaman.

Abante, nilayo ko ang pwetan ng kotse ko sa lugar na iyon.

Sa wakas nailabas ko din, at naipark sa harap ng bahay namin.

Sabay takbo sa gilid ng sasakyan ko.

Waaahhh!!!...isang mahabang guhit at may konting lubog!...

Ang unang gasgas!!!

No comments:

Post a Comment