Inalok ng kaibigan ng tatay ko ang kanyang Chev Optra sa halagang 200k. Nanghihinayang kase syang ipapalit sa dealer ung sasakyan dahil sa presyong 200k ay maari pa silang tumubo ng 100k pataas. Kaya naman humanap ako ng paraan na makakuha ng pera. Humiram ang tatay ko ng pera sa isang kaibigan kapalit ang Lancer ko upang ipang dagdag sa kulang.
Pagpasok ng bagong taon ng 2011 nakuha namin ang Chev Optra, ang saya saya...pero may konting lungkot dahil kung kelan nasasanay na ako sa manibela ng Lancer agad namin kaming pinaglayo ng tadhana...namumuo na nga ang muscle ko sa braso eh.
Pero ayus lang, ang ganda ng kotse ko! May dent nga lang sa likod, dahil tumama daw sa kahoy. Pero ok lang, ung unahan naman ang unang nakikita...hahaha
Weee....lambot ng manibela, kanan...kaliwa...walang effort. Kahit isang kamay lang! Atras...atras habang kumakabig sa kanan, kaliwa...hay!, sa salamin na lang ako nakatingin at hindi na pinapawisan.
Woohoo, hinde ko akalain na magkakaroon ako nito. Dahil kuntento na talaga ako sa isang lumang sasakyan.
No comments:
Post a Comment