Wednesday, November 30, 2011

ang malaking pressure

Nakalimutan kong ikwento sa inyo ang di ko malilimutang pangyayari sa panahon na nag-aaral pa lamang akong maging driver. Ito ay nangyari noong Lancer pa ang gamit ko, at mga ilang linggo ko pa lamang iyon nagagamit.

Christmas party iyon ng capability namin, sa A.venue Makati.
Pagdating namin sa lugar, wala ni isa ang may alam kung saan kame magpapark.
Kaya naman paikot ikot kame, at panay mane-obra ko.
Grabeh...buti na lang hinde kame naka formal dress...siguro tagaktak lalo ang pawis ko kung naka-gown ako nun.

Nang makita namin ang entrance ng parking, agad naman ako nakapagpark dahil maluwag naman ang lugar.

Nagsimula ang event, at natapos naman ng maaga.

Sa aming pag-labas ng parking, mejo matarik ang paakyat papalabas ng parking.

Ok na sana ang lahat, may tamang bwelo na ako.

Kaya lang, bigla akong pinahinto ng guard dahil may nakaharang na bus sa daanan.

Nabitin...

So nag-antay ako ng maging free na ang daanan.

Nang aabante na ako, bigla akong pinangunahan ng isa sa aking pasahero.

At dahil may nagtuturo sa akin na ibang tao, napressure ako ng oras na iyon.

Alam ko sa sarili ko ang dapat gawin. Pero ayaw umayos ng timpla ang pagrelease ko ng clutch at gas ng mga sandaling iyon.

Pero dahil may ibang taong nagtuturo, nawala ako sa aking konsentrasyon.

Kaya naman nang pilitin kong umandar, inapakan ko ng matindi ang gas, at dahil sa nerbyos hinde ko nabitawan agad ang clutch.

Kaya naman, ayun...ang bango!..

Sunog ang clutch ko...

Tae...kaya simula nun hinde ko na hiniyaang makasakay ko ulit un at umupo sa tabi ng driver seat.

Nakakawala ng konsentrasyon eh...

No comments:

Post a Comment